Elias nanaman

Matapos magtaka si Ibarra tungkol sa kapangyarihan ni Eilias na kanyang nakita sa pagpigil nito sa kaguluhan sa dulaan, ating makikita si Elias sa isang kagubatan. Ang misteriosong pilotng ito ay ngayon namang kumausap kay Kapitan Pablo. Sa kanyang pag-uusap nalaman nyang may dalawa itong anak, isa namatay sa simbahan sa kamay ng prayle at isa naman ay naghihintay ng paghiganti.
Ang dalawang anak kaya ay ang ating nakilalang si Crispin at Basilio? Si Kapitan Pablo nga kaya ang kanilang tatay na kinagagalitan ni Basilio? Pano kaya nangyari ito?

TUTUKAN! ang rebelasyon at ABANGAN ang pangako ni Elias!

Lakas ng Excomulgado

Si Ibarra at ang mga prayle ay nagkita na ngayon sa kanilang pagpunta sa dulaan. Ang dulaang ito naman nginasiwaan ni Don Filipo. Ngayon naman, ang mga prayle ay ayaw makisama sa isang Excomulgadong kagaya ni Ibarra. Sino kaya ang aalis sa dulaan? Susunurin ba ni Don Filipo ang nais ng mga prayle na paalisin si Ibarra? o kay Ibarra kaya kakampi ito?

TUTUKAN ang mangyayari at ABANGAN ang isang initang mangyayari sa pagitan ng guardia sibil at ang mamamayan!

Ang Donya

Si Donya Consolasyon ay nahuli ng guardia Sibil na nagsasalita ng Tagalog. E diba siya'y espaƱol? Si Sisa naman na kasalukuyang nasa mahigpit na hawak ni Donya Consolasyon ay naghihirap at tuluyan nang nabaliw. Ang pamalo naman na nakakasugat ay siya namang nag-iwan na ng marka sa katawan ni Sisa. Ano na kaya ang nangyayari sa galit nitong Donya. Matutuluyan na kaya si Sisa sa pagbubuhos ni Consolasyon ng kanyang galit sa Alperes. TUTUKAN!!

Special Episode: Si Crisostomo at ang Pagpanggap, Pangumpisal at Pagmahal

Nagkasakit si Maria Clara at nagpagisipan ni Kapitan Tiyago at ni Tiya Isabel na magdasal sa dalawang krus para mas malaki ang posibilidad na magkahimala.

May dalawang bagong tauhan na dumating, si Donya Victorina t si Dr.Tribucio de Espanada. Parehas silang mukhang higit pa sa 45 ang edad.

Pinakilala si Linares na pamangkin ng Dr. na siyang gagawing tagapangasiwa sa kanyang mga ari-arian.


Ang pekeng doctor ang siyang ngumasiwa sa may sakit na si Maria Clara

Ang katauhang nagsidatingan sa bahay na sina Padre Salvi at Damaso.



Sa piling ng may sakit, ano kayang ibang klaseng kababalaghan ang makikita? Ano ang mga reaksyon sa isang may sakit na kagandahang babae?

Isang nagpapanggap, isang paring lumuluha, dalawang nakatitig, at lahat na nag-aalala.

ABANGAN ANG PINAKA HINIHINTAY na EPISODONG NAKAKAIYAK!!!!!

SA SUSUNOD NA PAGKIKITA

KONFRONTASYON NINA DONYA CONSOLACION AT SISA, SINO ANG MAGWAWAGI, AT SINO ANG MAPAPAHIYA?

PADRE SALVI, ANG KANYANG SIKRETO, MATUTUKLASAN NA BA NG LAHAT?

SAMANTALA, SA BAHAY NI KAPITAN TIAGO, MAY SAKIT SI MARIA CLARA! ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA KANYA?

SUBAYBAYAN NIYO ANG MANGYAYARI SA SUSUNOD NA GABI!

Ang Prosisyon

Naglalakad ang Kapitan na kasama ang alkalde, sina Kapitan Tiyago at Ibarra. Pinanood nila ang prusisyon na pinangungunahan ng 3 sakristang nakagwantes na hawak ang kandelarong pilak. May mga agwasil na pumapalo sa mga taong napapahiwala sa pila ng prusisyon. Unang lumitaw si San Juan Bautista sumunod si San Francisco, pagkatapos ay si Maria Magdalena. Natanghal pagkatapos si San Diego de Alcala. Pinakahuli sa mga imahe ang Mahal ng Birhen. Pinanood nina Kapitan Heneral Alkalde, at Ibarra ang batang tumula ng loa. Pagtapat ng prusisyon sa bahay nina Kapitan Tiyago, umawit ng Ave Maria si Maria Clara. Nagtaka si Ibarra dahil masyadong malungkot ang pagkakaait ni Maria Clara at naisip niyang siya kaya ang dahilan.

S1E3: Si Crisostomo at Ang Kapitan Heneral

Hiniling ng Kapitan Heneral na makausap si Crisostomo Ibarra kaya ipinasundo ito sa kanyang ayodante. Nagalit ang mga pari na naghihintay para makausap ang Kapitan Heneral dahil inuna pang kausapin ng Kapitan Heneral ang isang binatang-taga Maynila na nakasuntukan ni Padre Damaso. Nang humarap ang mga pari sa Kapitan Heneral, hinarap ng Kapitan si Padre Damaso. Nagbigay siya ng babala kay Padre Damaso kung hindi magbabago ng ugali.

Pano na si Maria Clara na napalagitna sa awayang ito? Pano na si Crisostomo Ibarra at kanyang paghanap na matuwid ang kanyang pangalan? Ano kaya ang gagawin ng Kapitan Heneral dito. . .

PANOORIN!!!!!!

S1E2: Crisostomo at ang Mata ng Unos


Walang tigil sa pag-iyak si Maria Clara, binawalan ni Kapitan Tiyago si Maria Clara na makipag-usap kay Ibarra dahil hinatulan ng simbahan si Ibarra ng ekskomunikasyon. Si Ibarra ay tinawag na ekskomulgado. Nalilito si Kapitan Tiyago dahil sinabihan siya ni Padre Damaso at Padre Sibyla na huwag ipakasal si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Ikinatwiran ni Kapitan Tiyago na hindi niya maaaring gawin iyon dahil may utang siya kay Crisostomo Ibarra. . .


Pano na ang PAGMAMAHAL? Itong bagong hadlang sa pagsasama nina IBARRA at MARIA, ano kaya ang magiging bagong pagpako sa kanilang mga pusong pinaghiwalay. . . .

PANOORIN!!!!!

S1E1: Crisostomo at ang Palagay-lagay

Kumalat ang balita tungkol sa ginawa ni Ibarra kay Padre Damaso, nahati ang opinyon ng mga tao. May pumupuri at mayroon namang pumipintas kay Crisostomo Ibarra. Kumalat din ang mali-maling tsimis tulad ng patay na raw si Padre Damaso. Kaya nakaratay at may sakit si Padre Damaso ay dahil nakipagsuntukan siya sa isang binatang mestiso na lumabas ng simbahan habang nagsesermon pa siya. Natuwa si Kapitan Maria sa ginawa ni Ibarra dahil ipinagtanggol nito ang alaala ng amang si Don Rafael. 


Ano kaya ang magiging PINAKAMATINDI at PINAKAMALUPIT na bunga ng pagkalat ng balitang ito. . . . PANOORIN!!!!!