Ang Prosisyon
Naglalakad ang Kapitan na kasama ang alkalde, sina Kapitan Tiyago at Ibarra. Pinanood nila ang prusisyon na pinangungunahan ng 3 sakristang nakagwantes na hawak ang kandelarong pilak. May mga agwasil na pumapalo sa mga taong napapahiwala sa pila ng prusisyon. Unang lumitaw si San Juan Bautista sumunod si San Francisco, pagkatapos ay si Maria Magdalena. Natanghal pagkatapos si San Diego de Alcala. Pinakahuli sa mga imahe ang Mahal ng Birhen. Pinanood nina Kapitan Heneral Alkalde, at Ibarra ang batang tumula ng loa. Pagtapat ng prusisyon sa bahay nina Kapitan Tiyago, umawit ng Ave Maria si Maria Clara. Nagtaka si Ibarra dahil masyadong malungkot ang pagkakaait ni Maria Clara at naisip niyang siya kaya ang dahilan.